Adventures of the Bored Slacker

The LOSER's way of life...

Thursday, November 16, 2006

Guess who's back!!

Aym bak! Tagal ko na ring di nakapag-post, dami na nangyari tsk tsk..Photobucket - Video and Image Hosting


ANG NAKARAAN.....

1. September 28, 2006 - Bagyong Milenyo. Tinatamad akong pumasok kasi umuulan, sarap matulog. Naabutan ko nakaharap sa tv sina Chloue, sabi wala daw pasok. Talaga lang ha, sabi ko. Nang in-announce sa tv na walang pasok, di pa rin ako naniwala. Yes, mahirap talaga akong makumbinsi sa mga seryosong bagay na ganyan. So tinext ko ang team lead ko (hi Ma'am Cez) at siya tinanong ko, sabi nya wala daw kasi may bagyo. Ayun, I believe I beliieeevvee!

Kailangan pa din ni Chloue na pumasok kasi sa hotel siya so walang kala-kalamidad sa kanila. Maaga pa naman nun so tulog ulit ako. Kaso kinakabog na ng bagyo ang apartment namin. Umaanggi na yung bintana sa bandang ulunan ko. At nawalan na ng kuryente. This is not good. So tumayo na ako at nanood sa pagsalanta ng bagyo. Kasama ko si Fiona at pareho kaming naa-amaze pag may nakikita kaming anything na tangay tangay ng hangin. Mas malaki, mas exciting. Nakakita kami ng mga basurang tinatangay ng hangin, natuwa kami at pumalakpak. Nakakita kami ng sanga ng puno na tangay ng hangin, natuwa ulit kami at pumalakpak. Humampas ang sanga ng puno sa bintana namin, nag-freak out si Fiona.

Nakakaawa ung mga tao sa squatters na tanaw mula samin. Tinatangay na ung bahay nila. Nung sinisilip namin habang hawak-hawak ang mga poste nila, nakita nila kami. Ngumiti ba naman at tumuro samin na parang nagsasabing 'kayo ha!'...Ngee. Mga pinoy talaga, kahit may delubyo ansasaya pa din.

Hapon na at di pa rin kami naliligo ni Fiona kasi walang tubig sa banyo. Tuyo na din labi namin dahil di kami prepared kaya walang tubig sa ref. Mukha na kaming mga evacuees. Buti na lang dumating sina JM at ang officemate nyang si Love. At least apat na kaming evacuees.

Kampante naman ako na di kami babahain sa loob ng apartment kasi nga nasa third floor kami. Although medyo tumatagas ang tubig galing sa veranda, kaya namang harangin ng basahan yun divah? But no! Pinasok pa din ng tubig ang major door namin, di kinaya ng basahan. Tapos pagpasok ko sa kwarto, wtf! Lumalangoy na ang computer ko sa baha! Anak ng tokwa, third floor! Binaha! For REaL! Tumagas ang tubig dun sa pinto ng dwende (yup, maliit na pinto na dwende lang ang kasya) na nasa kwarto namin. Basa ang mattress ko, pati ang computer ko na nasa sahig lang. Binuhat ko agad ang mga gamit ko at pinagtatambak sa kung saan-saang parte ng apartment. Shocking.

10:30 pm na at wala pa rin kaming ligo ni Fiona. Amoy karpintero na kami. Tulog si Love sa kwarto namin at si JM sa kabilang kwarto. Dahil walang magawa, kumanta kami ng kumanta ni Fiona ng kung anu-ano lang. Example: Shaider song - shigi shigi saga shigi shuwwwaaaahhhh, shigi shigi! AT.. biglang nagka-power. Salamat sa pulis pangkalawakan.

2. Naipit ako sa LRT.
Kagagaling ko lang sa province namin. Pagud na pagod pa ako sa byahe nung umaakyat ako ng LRT station. Tapos nakita ko andun na ang LRT. Petiks pa din akong maglakad kasi alam ko di ko na maaabutan yun. Pero ipapasok ko na ang card eh andun pa rin sya so iniisip ko aabot pa ako pag tinakbo ko. Ako namang si tanga, tinakbo ko nga. Saktong sakto ako sa pagsara. Naipit ako sa pinto. Gitnang-gitna. Swak. Kalahati ng katawan ko nasa loob, kalahati nasa labas. Alam nyo yung scene sa 'The Incredibles' na naipit sa pinto si Elastigirl dun sa headquarters ng kalaban? Ganun. Yung lalaki na nakatayo sa pinto ng LRT hindi malaman kung hihilahin ako oh itutulak so ang ginawa na lang nya, pinilit na buksan ulit ang pinto. Nakatingin lang sakin ang mga ibang tao sa loob habang nagpupumiglas ako. At last nakalabas din ako at nahila ko ang bag ko, sumara na ng tuluyan ang pinto. Sa sobrang inis, sumigaw ako ng malakas at malutong na 'FU****KKKKK'. Tapos biglang bumukas ulit ang pinto ng LRT. I dashed inside and screamed 'YEsssSSS'. Thus begin my long and embarrassing journey.